Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking
oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya,
baliktarin mo at totoo pa rin. Ang labo di ba? Pero
ang linaw.
Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo
naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason.
Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin.
Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba
talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for
stupid people." Nakakatawa kasi laude ang standing
niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang
hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng
nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya
paminsan, nagiging moron lang.
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat
ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na
tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga
walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga
henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya.
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa
mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh.
Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo
lang ang magic words na "Ayoko na ma-inlove!" biglang
WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang
tao, ang galing-galing mo? Pero 'pag problema mo na
yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng
ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong
wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit
parang wala ring tama?
Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan
ng madugong pana ng pag-ibig. "Ngayon ko lang nalaman
ganito pala. Sabi ko na eh!" "Ang sarap mabuhay. Pwede
na 'ko mamatay. Now na!"
At hindi lang 'yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga
taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh
magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos
'pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi
sila yung may kasalanan. Siya! "Bakit niya 'ko
sinaktan?" May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at
pagbabagsak ng pinto. Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na
nakakatawa 'pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang
daming beses ko na kasi siyang nakasalubong kaya
masasabi ko nang eksperto na 'ko. Pero wala pa rin
akong alam.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang
kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na
lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang
punchline.
Nakakatawa no?
Nakakaiyak.
It is been said that we are created in His image and likeness. And perhaps it applies to all living things. All of which we see around us are said to emanate from a supreme principle, of which they are partial or inferior copies. Us, included. I acknowledge the theory that we arise from the Divine origin, who is God.
This blog is not about philosophy, or religion but is about me: I that is emanated from the source of all things. In this personal blog you’ll discover one of God’s beautiful creation, which is I, dueling with the so-called earthly existence to understand my desires both evil and moral, my purpose, my experiences in all sorts of things, as well as discover what is essential about being mortal and being divine.
Free JavaScripts provided
by The JavaScript Source